Ayon sa mga batas at regulasyon ng Japan, partikular sa Act on Prevention of Transfer of Criminal Proceeds, ang pagrerepaso at pag-verify ng pagkakakilanlan ng remitter ay pangunahing responsibilidad ng lahat ng remittance offices sa Japan. Dahil dito, kinakailangan ang pagsusumite ng mga identification documents.
Para naman sa International Money Transfer Service, kinakailangan ang pag-verify ng Individual Number Card(My Number Card) alinsunod sa Act on Submission of Statement of Overseas Wire Transfers for Purpose of Securing Proper Domestic Taxation.
Ang mga foreign nationals ay kinakailangang magsumite ng kopya ng kanilang Residence Card (harap at likod) at Individual Number Card o My Number(個人番号, kojin bangō)(harap at likod) gamit ang eKYC ng app.
Residence Card
Individual Number Card(My Number Card)
Ang mga Japanese nationals ay kinakailangang magsumite ng kopya ng kanilang Individual Number Card o My Number(個人番号, kojin bangō)(harap at likod) gamit ang eKYC ng app.
Individual Number Card(My Number Card)
Kailangan mag-upload ng selfie na hawak ang isa sa mga required IDs, para sa eKYC verification.
Ang registration at pagsusumite ng ID ay ibe‑verify sa pamamagitan ng eKYC sa aming opisyal na app.
Makakatanggap ang applicant ng notification mula sa app kapag pumasa sa eKYC.
Kapag na‑approve na, maaari nang gamitin ng applicant ang lahat ng features ng PhilMoney app.
Tandaan : Lubos naming pinahahalagahan ang privacy at pagiging kumpidensyal. Bilang aming kliyente, makasisiguro kang ang anumang impormasyong kinokolekta, natatanggap, o naipapasa bilang bahagi ng pagsusuri ay mananatiling protektado at ligtas ayon sa aming mga polisiya sa privacy at confidentiality.
Para sa higit pang impormasyon, pakibasa ang aming Privacy Policy regarding remittance. Kung may tanong o concern, maaari kayong makipag‑ugnayan sa amin nang direkta sa Contact Us.