Exchange Rate Ngayon
Maaaring magdagdag o mag‑record ng detalye ng beneficiary/receiver ang PhilMoney App user sa app.
Paalala: Ang mga app user ay maaaring magdagdag ng hanggang walong (8) benepisyaryo.
Sa Main Menu, i‑tap ang「Beneficiary」.
2. Piliin ang transaction service.
**Bank/E-Wallet : Para sa remittance sa bank account at E‑Wallet.
**Pick Up : Para sa cash pick‑up remittance.
3. Pagkatapos, i‑tap ang (+) plus sign.
Paki‑kumpleto ang lahat ng kinakailangang impormasyon.
**Paalala : Siguraduhing pareho sa impormasyon ng account holder ang mga detalye.
Pumili mula sa listahan ng mga bangko.
Kapag nakumpleto na ang lahat ng kinakailangang impormasyon, i‑tap ang「Add」.
Punan ang lahat ng kinakailangang impormasyon.
**Paalala : (1)Dapat kapareho ng ID ng beneficiary/receiver ang mga detalye na ipapakita sa cash pick‑up center o outlet.
(2)Ayon sa mga patakaran at regulasyon para sa pag-claim ng cash pick‑up transactions sa Pilipinas, kinakailangan mag‑presenta ng dalawang (2) valid at orihinal na identification documents/I.D.s. Para sa karagdagang detalye tungkol sa mga tinatanggap na dokumento, tingnan ang aming FAQ.
(3)Ang mga wala pang 18 taong gulang ay HINDI maaaring mag-claim ng remittance.
(4)Kinakailangan ang contact number ng beneficiary upang makatanggap ng SMS notification at para sa anumang kinakailangang assistance.
Pumili mula sa listahan ng mga cash pick‑up center.
Kapag nakumpleto na ang lahat ng kinakailangang impormasyon, i‑tap ang「Add」.
Ang mga beneficiary/receiver ay maaaring tingnan sa nakalistang talaan.
Kung kailangan baguhin ang detalye, i‑tap ang「Edit」.
Para sa Cash Pick‑Up :
Kumpletong Pangalan (ayon sa nakasaad sa I.D. na ipapakita)
Kumpletong Address
Contact No.
Ugnayan (Relationship)
Para sa Bank Transaction :
Pangalan ng Account Holder (eksaktong pangalan na nakasulat sa bankbook)
Account No.
Pangalan ng Bangko
Kumpletong Address
Contact No.
Ugnayan (Relationship)
Para sa E-Wallet Transaction :
Kumpletong Pangalan (ayon sa nakasaad sa E‑Wallet profile)
Account/Mobile No.
Kumpletong Address
Ugnayan (Relationship)
Panoorin ang tutorial video :
Paraan ng Paglalagay/Pagdaragdag ng Beneficiary/Receiver