Exchange Rate Ngayon
Detalyadong gabay sa pagpapadala ng pera/remittance gamit ang Pay-easy.
Piliin ang「Payeasy(ATM)」bilang “Mode of Payment”.
Pagkatapos, kumpletuhin ang proseso ng paggawa at pagpapadala ng iyong remittance.
**Paalala : Suriin ang Transaksyon
I-check ang beneficiary, uri ng transaksyon, purpose, exchange rate, halagang ipapadala, service fee, Total Amount, at halagang matatanggap. Ang Total Amount ang eksaktong halaga na kailangang bayaran. Kung tama ang lahat ng detalye, i-tap ang 「Submit」.
Pagkatapos makumpleto, ipapakita sa screen ang mga sumusunod na detalye :
Payment Organization No. of KABAYAN / 収納機関番号
Customer No. / お客様番号
Confirmation No. / 確認番号
Ito ang (3/tatlong) importanteng detalye na kailangan para makapagbayad sa pamamagitan ng “Payeasy”.
Iba pang detalye :
Payment Deadline: ito ang takdang oras o panahon para maisagawa ang “Payeasy” na transaksiyon sa ATM.
Total Amount: ito ang kabuuang halagang babayaran gamit ang “Payeasy”.
Paalala : Pakitandaan ang payment deadline. Kapag lumampas ang transaksiyon sa deadline, ito ay mag-e-expire at kailangang muling i‑enter ng customer ang transaksiyon sa app.
Kapag natapos mo na ang transaksiyon sa PhilMoney App, maghanap ng pinakamalapit na ATM. Siguraduhing may “Payeasy” na mark o logo ang machine.
Para sa listahan ng mga ATM na sumusuporta sa Payeasy, i‑click
Paalala : Ang mga instruksyon para sa paggamit ng Payeasy sa bank ATMs ay available lamang sa wikang Japanese.
Mula sa screen menu, i-tap ang「Payeasy」.
Paalala : Pagkatapos piliin ang "Payeasy",
May ilang ATM banks na humihingi sa customer na ilagay ang kanilang contact number bago o pagkatapos ilagay ang confirmation numbers.
May ilang ATM banks din na humihingi sa customer na piliin ang kanilang “Mode of Payment” bago o pagkatapos ilagay ang confirmation numbers.
Cash (現金) o
Cash Card (キャッシュカード)
I-enter ang : (5-digit)
収納機関番号 / Payment Organization No. of KABAYAN
( 58054 = Payment Organization No. of KABAYAN )
I-tap ang「Confirm」.
I-enter ang : (20-digit)
お客様番号 / Customer No.
I-tap ang「Confirm」.
Enter the : (6-digit)
確認番号 / Confirmation No.
I-tap ang「Confirm」.
Suriin at kumpirmahin ang lahat ng detalyeng nakikita sa screen.
"KABAYAN" ay dapat lumabas sa screen. ( 株式会社KABAYAN )
Kung tama, i-tap ang「Confirm」.
Makikita sa screen ang mga detalye kasama ang kabuuang halaga (Total Amount) ng remittance transaction.
Kung tama, i-tap ang「Confirm」.
Piliin at i-tap ang mode of payment :
Cash (現金) o
Cash Card (キャッシュカード)
At ilagay o i‑type ang halagang ipinakita sa Step 2.
Magpi-print ng resibo kapag matagumpay na nakumpleto ang transaksyon sa ATM.
Kapag natanggap at nakumpirma na ang bayad, awtomatikong itutugma ng app ang bayad sa kaukulang remittance transaction at sisimulan na ang pagproseso nito.
Disclaimer : Ang lahat ng larawang ipinapakita ay para lamang sa layuning panturo at maaaring hindi kumatawan sa aktwal na produkto, serbisyo, o panghuling resulta.