Maaaring gumawa ng remittance ang PhilMoney App user direkta sa app.
(Tandaan : Siguraduhing nailagay/naidagdag na ang beneficiary/receiver sa "Beneficiary" bago magsagawa ng "Remittance".)
I‑click ang "Send Money" sa Main Menu.
2. Piliin ang "Mode of Payment".
3. At piliin :
Cash
*Kung "Cash" ang mode of payment para sa remittance, ito ay babayaran over‑the‑counter o sa aming opisina.
Bank Transfer
*Kung "Bank Transfer" ang napiling mode of payment para sa iyong remittance, kailangan mong mag‑transfer (furikomi) ng pera sa pamamagitan ng bank transfer (sa Bank Account ng KABAYAN) at i‑upload ang larawan ng bank deposit slip.
Pay-easy
*Kung "Pay-easy" ang napiling payment method para sa iyong remittance, kailangan mong mag‑transfer ng pera sa pamamagitan ng ATM na may “PAY-EASY” na sticker o marka.
4. I‑click ang "Select Receiver".
Mula sa listahan, piliin ang itatalagang tatanggap ng remittance.
Pagkatapos, i‑click ang "Select Purpose" at piliin ang tamang layunin ng remittance.
Pagkatapos, ilagay ang halagang ipapadala sa Yen (huwag isama ang service charge) o sa PhP.
I‑click ang "Preview" upang makita ang detalye ng remittance transaction.
5. Lalabas ang preview ng remittance transaction na may sumusunod na detalye :
Name of Beneficiary/Receiver
TXN Type (Transaction Type). Kapag bank transaction, lalabas ang account number.
Purpose
Exchange Rate
Amount to Send
Service Fee
Total Amount (Ito ang eksaktong halagang kailangang bayaran)
Amount to Receive (in PhP)
Siguraduhing tama ang lahat ng detalye bago i-click ang "Submit".
6. Lalabas ang E‑Statement na may kumpletong detalye. Makakatanggap din ng notification ang user at ang beneficiary/receiver.
Para sa Cash Pick Up
Ang “Reference No.” na kailangan para ma-claim ang remittance ay ipapakita sa E‑Statement.
Mode of Payment : Cash
Kung "Cash" ang napiling payment method para sa remittance, kailangang bayaran ito over‑the‑counter o sa aming opisina.
Makikita ang transaction flow dito o maaari rin itong i‑monitor mula sa Main Menu sa pamamagitan ng pag‑click sa “History”.
Mode of Payment : Bank Transfer
Kung "Bank Transfer" ang napiling payment method para sa remittance, kailangang magbayad sa pamamagitan ng bank transfer papunta sa bank account ng aming kumpanya at i‑upload ang larawan ng bank deposit slip.
Ang transaction flow ay maaaring i‑monitor o i‑access mula sa Main Menu sa pamamagitan ng pag‑click sa “History”.
Mode of Payment : Pay-Easy
Kung "Pay‑Easy" ang napiling payment method para sa remittance, kailangang bayaran ito sa anumang ATM na may “PAY‑EASY” na marka o logo.
Ang transaction flow ay maaaring i‑monitor o i‑access mula sa Main Menu sa pamamagitan ng pag‑click sa “History”.
Paalala : Pakitandaan ang payment deadline. Kapag lumampas ang transaksiyon sa deadline, ito ay mag-e-expire at kailangang i‑encode muli ng customer sa app.
Daloy ng Transaksiyon
Ang status ng transaksiyon ay ipinapakita tulad ng nasa ibaba :
Unpaid (Hindi pa kumpirmado ang bayad para sa remittance)
⇓
Paid (Kumpirmado na ang bayad para sa remittance)
⇓
In Transit (Pinoproseso ang transaksiyon sa server)
⇓
Completed (Kumpleto na ang transaksiyon)
Panoorin ang tutorial video :
Pagbabayad ng Remittance sa Counter ng Opisina
Pagbabayad ng Remittance sa Pamamagitan ng Bank Transfer(Furikomi)
Pagbabayad ng Remittance sa Pamamagitan ng Pay‑Easy
Pagbabayad ng Remittance sa Counter ng Opisina
Pagbabayad ng Remittance sa Pamamagitan ng Bank Transfer(Furikomi)