Exchange Rate Ngayon
Maaaring gawin ang mga kontribusyon at pagbabayad para sa SSS, Pag‑IBIG, at PhilHealth sa pamamagitan ng app.
Sa Main Menu, i‑tap ang「SSS/PG/PH」.
2. I-tap ang「Mode of Payment」.
3. At piliin :
Cash
**Kung "CASH" ang mode of payment para sa remittance, ito ay babayaran over‑the‑counter o sa aming opisina.
Bank Transfer
**Kung "BANK TRANSFER" ang napiling mode of payment para sa iyong remittance, kailangan mong mag‑transfer (furikomi) ng pera sa pamamagitan ng bank transfer (sa Bank Account ng KABAYAN) at i‑upload ang larawan ng bank deposit slip.
Payeasy
**Kung "PAYEASY" ang napiling payment method para sa iyong remittance, kailangan mong mag‑transfer ng pera sa pamamagitan ng ATM na may “PAYEASY” na sticker o marka.
Virtual Account
**Kung “VIRTUAL ACCOUNT” ang napili bilang paraan ng pagbabayad para sa iyong padala, kailangan mong ilipat ang bayad sa pamamagitan ng bank transfer.
Loppi
**Kung ang “LOPPI” ang napili bilang paraan ng pagbabayad para sa iyong padala, kailangan mong magbayad gamit ang Loppi terminal na matatagpuan sa Lawson, Natural Lawson, o Ministop convenience stores.
4. I‑tap ang「Select Government Payment Account」.
5. Piliin mula sa record/list ang nais na bayad. Kung wala pa ito sa record/list, i‑tap ang (+) sign upang magdagdag.
I-tap ang「Transaction Type」.
I‑click ang nais na government service. Kumpletuhin ang lahat ng kinakailangang fields. Pagkatapos, i‑tap ang「Submit」upang maidagdag sa list.
6. Paki‑kumpleto ang lahat ng kinakailangang fields at i‑check ang halagang ire-remit (sa JPY).
7. Lalabas ang preview ng remittance transaction na may sumusunod na detalye :
Mode of Payment
Range of Payment (sa buwan)
Govt. ID No.
Beneficiary Details
Total Amount of Contribution
Exchange Rate
Amount to Send
Service Fee
Total Amount (Ito ang eksaktong halagang kailangang bayaran)
Siguraduhing tama ang lahat ng detalye bago i-tap ang「Submit」.
8. Lalabas ang E‑Statement na may kumpletong detalye.
Kung ang napiling paraan ng pagbabayad para sa padala ay “CASH”, ang bayad ay dapat gawin sa counter o sa aming opisina.
Maaaring tingnan ang status at progreso ng transaksyon sa Main Menu sa pamamagitan ng pag-tap sa「History」.
Kung ang napiling paraan ng pagbabayad para sa padala ay “BANK TRANSFER”, ang bayad ay dapat ipadala sa pamamagitan ng bank transfer sa bank account ng aming kumpanya, at i-upload ang larawan ng bank deposit slip o proof of transfer.
Maaaring tingnan ang status at progreso ng transaksyon sa Main Menu sa pamamagitan ng pag-tap sa「History」.
Kung ang napiling paraan ng pagbabayad para sa padala ay “PAYEASY”, ang bayad ay dapat gawin sa alinmang ATM na may “PAYEASY” mark o logo.
Maaaring tingnan ang status at progreso ng transaksyon sa Main Menu sa pamamagitan ng pag-tap sa「History」.
Kung ang napiling paraan ng pagbabayad para sa padala ay “VIRTUAL ACCOUNT”, ang bayad ay dapat gawin sa pamamagitan ng bank transfer sa Virtual Account na nakatalaga sa transaksyon.
Maaaring tingnan ang status at progreso ng transaksyon sa Main Menu sa pamamagitan ng pag-tap sa「History」.
Kung ang napiling paraan ng pagbabayad para sa padala ay “LOPPI”, ang bayad ay dapat gawin gamit ang Loppi terminal na matatagpuan sa Lawson, Natural Lawson, o Ministop convenience stores.
Maaaring tingnan ang status at progreso ng transaksyon sa Main Menu sa pamamagitan ng pag-tap sa「History」.
Paalala : Pakitandaan ang payment deadline. Kapag lumampas ang transaksiyon sa deadline, ito ay mag-e-expire at kailangang i‑encode muli ng customer sa app.
Ang status ng transaksiyon ay ipinapakita tulad ng nasa ibaba :
Unpaid (Hindi pa kumpirmado ang bayad para sa remittance)
⇓
Paid (Kumpirmado na ang bayad para sa remittance)
⇓
In Transit (Pinoproseso ang transaksiyon sa server)
⇓
Completed (Kumpleto na ang transaksiyon)